Nung nasa elementary pa ko, di pa uso ang cellphone. Kahit nga telepono noon madalang. Kaya pag may kelangan kang kausapin ASAP, no choice ka, kelangan mong pumunta sa bahay niya. Kaya kami ni Alex, ganito kami noon: Monday, 5:00pm (sa harap ng bahay namin)
Ako: O, bakit?
Alex: Tatanong ko sana kung anong assignment natin sa Hekasi. Di kasi ako pumasok.
Ako: Lagi naman. Tara sa loob.
Nung nasa high school na ko, di pa rin uso ang cellphone. Kaya pag may gusto kang maka-usap ASAP, telepono ang gagamitin mo. Kaya kami ni Alex, ganito kami noon: Saturday, 10:30am (walang tigil sa pag-ring ang telepono)
Ako: Hello?
Alex: Kakagising mo lang?
Ako: Obvious ba?
Alex: Ligo na. Punta tayo SM, libre kita.
Ako: Ang aga-aga.
Alex: Sige na. 15 minutes andyan na ko. Bilisan mo ha.
Ako: Teka!
Baka akala niyo childhood sweetheart ko si Alex. Hindi. Childhood friends kami. As in baby pa lang magkakilala na kami. Pareho kami ng school nung Elementary, minsan magkaklase, minsan hindi pero laging magkasama. Nung High school na kami, pareho pa rin ng school. Magkaklase, pero hindi na madalas magkasama. Syempre ang kasama niya yung mga cute na magaling mag-basketball. Ako naman yung mga babaeng walang ginawa kundi mag-cr at magtsismisan. Pero pag uwian na, sabay kami lagi. Babalitaan ko siya tungkol sa crush niya, babalitaan niya rin ako tungkol sa mga crush kong kasama niya sa varsity. Habang tumatanda na kami, nagkaroon na kami ng kanya-kanyang barkada. Nagseryoso na ko sa pag-aaral ko, siya naman nag-concentrate din sa pagbabasketball. Pero oras pa din ang binibilang ng mga usapan namin sa telepono. Hindi kami mag-bestfriend (sabi ng girlfriend niyang sobrang selosa, siya lang ang bestfriend ni Alex), pero hindi rin kami simpleng magkaibigan. Hindi ko na inalam o nilinaw pa kung ano talaga kami, kahit na lagi niyang sinasabi sa ken na isa ako sa mga taong importante sa buhay niya. Madrama din yung lalaking yun. Nung college na ako, laganap na ang cellphone. Kaya pag may gusto kang maka-usap, pa-text-text ka na lang dyan. Minsan nga pati pag-compose ng message kinatatamaran pa. Kaya karamihan satin, pag gusto magparamdam sa isang kaibigan, magfo-forward na lang ng message na ginawa ng kung sinong walang magawa. Eto namang kaibigang pinadalhan ng forwarded na message ay sasagot din sa pamamagitan ng pagfo-forward din ng isa pang message. Wala nang personal na kahulugan. Wala nang damdamin. Paminsan madrama din ako. Ganon na kasi ang nangyari sa amin ni Alex ngayong college.
(May kung anong graphics muna) Juz hope dis HUG cud make up for ol d tyms I was supposd 2 txt u but wasn't able 2. GudPm! God Bless! Sender: MaU Sent: 17-Jan-2002 21:44:40
Sagot naman niya, "Il reach 4 ur hand n d cold of winter. Il reach 4 ur hand n d heat of summr. But f my short lyf cant reach d dawn of spring, I promise n heavn il reach u wid my wings. Sender: AleX Sent: 17-Jan-02 21:58:10
Si Alex talaga, paminsan corny.
Hanggang ganito na lang ang pag-uusap namin. Sinemento na ang kalsada mula sa bahay namin patungo sa kanilang lugar pero hindi na ulit ako nakadalaw sa kanila. Pati nga telepono namin halos hindi na nagri-ring. Nung bakasyon na, naisipan kong kamustahin siya. Napapadalas na kasi ang pagtext niya, hindi naman ako makasagot kasi walang load. Siguro break na naman sila nang girlfriend niyang selosa kaya naghahanap na naman ng female presence yung loko. Sabi ko pupunta ko sa kanila ng Sabado. Pero nag-Induction Ball ang org kaya di natuloy. Di bale, bukas na lang. Kaso, napuyat ako. Di na ko tumuloy sa kanila. Natulog lang ako maghapon. Sumunod na linggo, binalak kong tawagan siya. Kaso ang pinsan kong high school na-Super-Glue na yata sa telepono namin, di ako maka-singit. Natulog na ko, may bukas pa naman. Dumaan na ang maraming bukas (at isang milyong text message ni Alex) ay di ko pa rin siya nakausap o napupuntahan sa kanila. Sobrang init kasi, ayokong lumabas ng bahay. Isang umaga ng Sabado, sa mundo ng kabataang umiikot sa maliit na screen ng kanilang cellphone, nag-ring ang telepono namin. Malamang para sa pinsan ko yun, kaya tinawag ko. Eh naliligo pala. No choice ako.
Ako: Naliligo sya.
Alex: Ha?
Ako: Alex?
Alex: Anong sabi mo?
Ako: ALEX!!!
Alex: MAU!!! Buhay ka pa pala!
Ako: Oo naman.
Alex: Ligo ka na. Punta tayo SM, libre kita.
Ako: Ang aga-aga.
Alex: Sige na. 15 minutes andyan na ko. Bilisan mo ha.
Ako: Teka!
Kaya ayun. Kahit na ang init-init sumama din ako kay Alex. Wala kaming ginawa kundi kumain at magkwentuhan buong araw. Binalikan namin yung dating ginagawa namin. Dating buhay. Mga dating kaibigan, teacher, niligawan, nanligaw, kinabag nga yata ako sa kakatawa. Si Alex talaga kengkoy. Sa isang araw nayon, binalikan namin ang buong labing-walong taon namin dito sa mundo. Parang kami daw yung commercial ng Standard Electric fan, ikaw at ako marami nang pinagdaanan (tama ba?! Ah basta, yun na yun). Pagtapos non, nagsimula na ang summer classes ko. Balik na naman kami sa dati ni Alex. Halos walang communication. Binalak ko syang tawagan para kamustahin, pero laging may assignment o kaya may lakad. Bukas na lang. Bukas na lang. Di ko na mabilang kung ilang beses akong nagbalak at sinabing bukas na lang. Basta nalaman ko na lang, nung dumating na yung bukas na hinihintay ko, ubos na pala ang pagkakataon ko.
Isang umaga ng Sabado, sa mundo ng kabataang umiikot sa maliit na screen ng kanilang cellphone, nag-ring ang telepono namin. Kakagising ko lang kaya di ko muna pinansin. Inuna kong tiningnan ang cellphone ko at baka may message. Meron nga. Babasahin ko na sana kaso walang tigil sa pag-ring ang telepono. Nakakairita.
Ako: Hello?
Caller: Mau?
Ako: Yup. Sino to?
Caller: Si Anton. Wow. Kuya ni Alex. Gwapo yun. Bakit kaya?
Ako: O, Kuya Anton, napatawag ka?
Caller: Kasi Mau, ano kasi, si Alex...
Ako: Bakit? Magpapasama siya sa...
Caller: Hindi, nasagasaan siya. Mau, wala na si Alex.
Hindi ko alam kung natanggap ko na. Hindi ko alam kung kelan darating yung oras na maiisip ko si Alex ng hindi ako iiyak. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko pagsisisihan ang mga pagkakataong sinabi kong bukas ko na lang siya kakausapin. Sya nga pala, yung nag-text bago tumawag si Kuya Anton, si Alex yun Nung gabi siya nagtext, nung gabi bago siya nawala. Yun ulit ang pinadala niya, pero iba na ang kahulugan sa kin. Il reach 4 ur hand n d cold of winter. Il reach 4 ur hand n d heat of summr. But f my short lyf cant reach d dawn of spring, I promis n heavn il reach u wid my wings. I hope he reaches me with his wings.
“Veni, Vidi, Vici! "
( I saw, I came, I conquer! )
*** from my old netfiles... contributed by cheese on Saturday, September 21, 2000 @ 02:01:27 PHT ***