Wednesday, February 09, 2005

Wala Lang... Malungkot Ako Eh...

Gusto ko tung kulay na to...
Masaya kasi ako pag itong kulay na to ang nakikita ko...
Nawawala ang lungkot ko pag itong kulay ang gamit ko...
'Di kagaya noong nakarang araw....
Bigla na lang bumalik ang mga alala...
Alaalang di naman dapat ng balikan...
Dahil tapos na at wala ka nang magagawa pa...
Bakit nga ba kasi ganun....
May magawa ka lang na isang mali...
Bigla nalang bumabalik lahat ng alaala ng mga nagawang pagkakamali...
Ikaw, kagaya ko rin ba?

Nakaupo lang ako ngayon sa harap ng computer, bored na bored...
Wala akong ganang makipagusap...
Ayaw ko ring mag chat... online sya kasi, eh ayaw naman nya ako kausap...
Dami tuloy akong iniisip... iniisip ko sya... ako kaya iniisip din nya?
Ang lungkot ng araw na 'to...
Ito na ata ang pinaka malungkot na araw sa buhay ko...
Para kasing kulang...
Di ko kasi alam kung totoo sya o kagaya ng iba na napadaan lang...
Akala mo ito na pero hindi pa pala sya...
Kung alam lang nya na hindi lang mga kaibigan, lugar o bagay
ang nakakapag pasaya sa akin....
Kundi siya...
Siya ang talagang nakakapagpasaya sa akin...

*________*_________*

Wala lang... gusto ko lang isulat 'to...
walang magawa eh... hindi ko rin alam kung tama ang pagkakagawa ko...
hindi naman kasi ako isang makata...
ahhhh!!! basta... kung mali, eh... di mali... tumawa ka na lang... kasi mukhang nakakatawa?
nililibang ko lang sarili ko eh... dahil talagang malungkot ako...
nakakainis kasi... nakakalungkot pa...

No comments: